Nag-viral na hindi bakunadong ginang na bumatikos ng todo sa gobyerno, hindi kailangang mag-sorry

Walang nakikitang dahilan si presidential candidate si Senator Manny Pacquiao para humingi ng paumanhin si Gemma Parina, ang nag-viral na street vendor na bumatikos ng todo sa gobyerno.

Sa kanyang viral video ay makikita ang galit na galit na si ginang Parina dahil sa pagtutupad ng pamahalaan ng “No vaccine, No ride” Policy.

Diin ni Pacquiao, ipinahayag lang ni Aling Gemma ang saloobin ng milyong mahihirap na kababayan natin na pinarurusahan sa halip na kumbunsihin na magpabakuna laban sa COVID-19.


Nakikita rin ni Pacquiao na sa kasalukuyang sitwasyong ay lamang na lamang ang mayayaman at may kaya na may sariling sasakyan at mga hindi kailangang lumabas para maghanapbuhay o umoorder na ng kanilang pangangailangan.

Paalala pa ni Pacquiao, malinaw sa COVID-19 Vaccinate Program Act, na bawal gamitin na requirement ang vaccination cards para sa edukasyon, pagtatrabaho at sa mga transaksyon sa gobyerno.

Dahil dito ay iginiit ni Pacquiao na bawal na hadlangan ang mga hindi bakuna na lumabas ng bahay at sumakay sa pampublikong transportasyon.

Kaya naman iginiit ni Pacquiao sa mga lokal na pamahalaan, lalo na sa Department of Transportation (DOTr) at sa Department of Interior and Local Government (DILG) na ipatupad ng tama ang batas.

Facebook Comments