Dumipensa ang lokal na pamahalaang lungsod ng Muntinlupa kasunod ng nag-viral na listahan ng cash aid beneficiaries sa isa nitong barangay kung saan magkakapareho ang apelyido ng mga residente sa isang buong pahina.
Ayon kay Muntinlupa Public Information Officer Tez Navarro, dumaan sa crosscheking at validation ng local at national authorities ang listahan kaya kumpiyansa ang LGU na wala itong nilabag na batas.
Paliwanag pa ni navarro, hindi na bago sa mga residente ng lungsod ang magkakaparehong apelyido dahil sa “inter-marriages” noon kaya dumami ang mga angkan.
Samantala, ipamamahagi nila ang ayuda sa pamamagitan ng online payment service pero magsasagawa rin sila ng manual payout scheme “by appointment” para maiwasan ang overcrowding sa mga distribution centers.