Naga City: 2 Na Naman Patay, 1 Arestado sa Drug Ops

Dalawang persona na pinaniniwalaang may kaugnayan sa droga ang nabaril-patay, samantalang isa pa ang naaresto, nang magsagawa ng drug buy bust operation kamakalawa ang pinagsanib na pwersa ng Drug Enforcement Units ng PNP Region 5 at PNP Naga.

Ayon sa report, isang drug buy bust operation ang isinagawa ng pulisya laban sa mga suspect sa Zone 7, San Rafael, Barangay Cararayan, Naga City. Target ng nasabing hakbang na hulihin sina Jeffrey Palomares, Manior Gabriel Peniera, resident ng Brgy. Cararayan at isa pang nakilalang si Julius NiƱo Villacarlos na taga San Jose Pili, Camarines Sur.

Naging madugo ang nasabing operasyon nang tinangka umano ng mga suspect na manlaban kung kayat napilitan ang mga police operatives na barilin ang mga ito.


Magugunitang noon pa man ay may paalala na ang pamunuan ng pulisya na may paglalagyan ang sinumang mga drug suspect na manlaban sa otoridad.

Narecover mula sa mga napatay ang 8 plastic sachet na may lamang pinaniniwalaang shabu, caliber 38 at 22 revolvers.

————–

Facebook Comments