Naga City: 2018 SGLG Awardee, Mayor John Bongat Kinilala ng League Magazine

Ikinagalak ng pamunuan ng Local na Pamahalaan ng Naga City ang paglabas ng DILG ng listahan nito ng mga awardees for 2018 Seal of Good Local Governance.
Kasabay nito ang pagpapasalamat ni Naga City Mayor John Bongat dahil isa ang Naga City sa 3 mga syudad na SGLG awardees kasama ang Iriga City at Legazpi City sa region 5.
May kabuuhang 145 na mga syudad sa buong bansa ang kasama sa competition at 39 lamang ang nabigyan ng Seal of Good Local Governance Award ngayong taong 2018 kung saan pasok sa shortlisted awardees ang Naga City.
Samantala, masayang pinasalamatan din ni Mayor John Bongat ang League Magazine dahil sa Plaque of Appreciation na ibinigay nito kasabay ng pagbilang sa kanyang pangalan sa shortlist of game-changing local executives sa bansa. Ang mga pinarangalang game-changing local executives ay nasa cover page ng League Magazine kung saan naka-feature din ang kanilang mga accomplishments tungo sa pagiging model Local Government Units sa bansa.
photo credits: Mayor John Bongat FB


Facebook Comments