Naga City: MAGLIVE – IN, Tiklo, Worth Php 600,000 Shabu, Kumpiskado

Bumagsak sa lambat ng mga element ng PDEA CamSur ang magka live-in na kinilalang sina MARILEX ARBUIS y COMPRADO, 30 years old, at CEASAR GALIZA y BALINIS, 30 years old, at pwang residente ng Brgy Del Rosario, Naga City.
Bandang alas 8:45 ng umaga kanina lamang nang magsagawa ng drug buybust operation ang mga elemento ng PDEA CamSur sa pangunguna ni Provincial Officer Agent Vidal Bacolod at sa ilalim ng superbisyon ni Dir II Christian O. Frivaldo, Acting Regional Director ng PDEA Regional Office 5.

Naganap ang pag-aresto sa labasan ng CBD II Bus Terminal, Triangulo, Naga City, kung saan nakunan pa ng litrato ang magka live-in sa loob ng ginamit nilang kotse.

Tinatayang umaabot sa 100 grams na shabu ang nasamsam na may street value na umaabot sa halagang Php 600,000.oo.


Kasama mo sa balita at serbisyo publiko, RadyoMaN Paul Santos, Tatak RMN!



Facebook Comments