Iaakma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa nangyayaring sigalot ngayon sa West Philippine Sea (WPS) ang Mutual Defense Treaty sa pagitan ng Amerika at Pilipinas na nilagdaan noon pang 1952.
Sa panayam kay Pangulong Marcos, sinabi nitong nagbabago na ang sitwasyon ngayon kumpara noong 71 taon na ang nakalilipas.
Magkaibang-magkaiba kasi aniya ang sitwasyon noong sinulat ang MDT kumpara sa sitwasyon ngayon.
Ayon sa pangulo, hindi maitatanggi na masiyadong naging dominante na ang China sa rehiyon habang humina naman ang Amerika.
Sinabi pa ng pangulo na nagbago na rin ng posisyon ng mga bansang kasapi sa Asya kaugnay sa pakikitungo sa mundo.
Una nang sinabi ni Pangulong Marcos na tatalakayin niya sa bilateral meeting kay US President Joe Biden na baguhin ang MDT.