Cauayan City – Umuusad na ang ginagawang pagsisiyasat at pagreresolba ng mga awtoridad kaugnay sa nangyayaring Tribal War ngayon sa Kalinga.
Ayon sa tagapagsalita ng Kalinga Police Provincial Office na si Police Captain Ruff Manganip, nakikipag-ugnayan na sila sa Kalinga Bodong Order Council at iba pang ahensya upang maresolba ang sigalot sa pagitan ng mga nag-aaway na tribo.
Samantala, pinabulaanan naman ng KPPO na may kaugnay sa tribal conflict ang isang Grade 7 student na tinamaan ng ligaw na bala at baril sa daliri at binti nito lamang ika-8 ng Oktubre.
Gayunpaman, sinabi ni Manganip na may naiulat na bagong insidente kaugnay sa tribal war sa pagitan ng Biga at Basao tribe kung saan isang pamamaril ang naganap na naging sanhi ng pagkasawi ng isang indibidwal at pagkasugat ng isa pa.
Sa ngayon ay puspusan na ang ginagawa nilang imbestigasyon at mayroon na silang persons of interest kaya naman mas pinaiigting pa nila ang ginagawang pagbabantay sa kanilang nasasakupan partikular na sa mga lugar na posibleng pangyarihan ng gulo.