NAGALBURUTO | Mt. Kanlaon, muling nagbuga ng abo at usok

Negros – Binulabog ng phreatic eruption ang mga residenteng malapit sa Mt. Kanlaon sa Negros Island.

Nangyari ang pagbuga ng abo at usok kaninang alas-9:47 ng umaga.

Bukod sa usok may narinig ding mga dagundong malapit sa bundok.


Sabi naman ni PHIVOLCS Dir. Renato Solidum, patuloy nilang babantayan ang development ng bulkan dahil maaari pang maulit ang volcanic activity nito.

Pinapayuhan naman ang mga residente na manatili sa labas ng danger zone.

Facebook Comments