NAGALIT | Pari, arestado sa pagpaputok ng baril sa Capiz

Capiz – Dinakip ng mga otoridad ang isang pari sa bayan ng Dumarao, Capiz matapos magpaputok ng baril.

Kinilala ang pari na si Fr. Federico Lim Jr., kura paroko ng Our Lady of Snows at residente ng Barangay Bailan, Pontevedra.

Ayon kay Dumarao PNP Chief Inspector Juvy Bermejo, ikinagalit ni Lim nang hindi makadaan ang sasakyan ng kanyang mga bisita kaya ipinatumba nito ang mga nakaparadang motorsiklo sa tapat ng nasabing simbahan.


Dito na rin aniya bigla nagpaputok ng calibre .45 pistol si Lim na maswerteng walang tinamaan.

Inamin naman ni Lim ang pagpapaputok ng baril at sinabing nakainom siya nang mangyari ang insidente.

Facebook Comments