Pumalo na sa apat na milyong doses ng COVID-19 vaccines ang nagamit at naiturok sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Sa datos ng National Vaccination Operations Center (NVOC) mula nitong May 22, aabot sa 4,097,425 doses ang naiturok na.
Mula sa nasabing bilang, nasa 3,147,486 ang nagamit para sa first dose habang 949,939 doses ang nagamit para sa second dose.
Katumbas nito ang 1.9% ng total 108.77 million population na nabakunahan.
Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., isa itong milestone sa National Vaccination Program na layuning maabot ang daily vaccination rate na nasa kalahating milyon at makamit ang herd immunity bago matapos ang taon.
Sa ngayon, aabot na sa 162,514 ang daily vaccination rate sa bansa.
Facebook Comments