Siniguro ni Philippine Army Commanding General Lieutenant Gen. Cirilito Sobejana na hindi mangyayari sa Pilipinas ang nangyaring malakas na pagsabog sa Beirut, Lebanon na ikinasawi nang mahigit isang daang indibidwal.
Ayon kay Sobejana, nakakalungkot ang nangyari sa Beirut, Lebanon na dapat sana ay naiwasan.
Aniya, pinahahalagahan ng pamunuan ng Philippine Army, hindi lamang ang kanilang mga tauhan maging ang publiko laban sa anumang uri nang karahasan.
Dahil dito, tinitiyak ni Sobejana na may tamang paraan silang ginagawa para sa pag-iimbak at pagtatago ng kanilang mga pampasabog at maayos na ordnance capabilities.
Sinabi pa ng opisyal na bagama’t hindi nagiimbak ng ammonium nitrate ang Philippine Army dahil ito ay ginagamit sa agriculture sa Pilipinas ay tiniyak niyang hindi ito magagamit nang sinuman para magsagawa ng pagsabog katulad sa Lebanon.
Ang ammonium nitrate ay inihahalo sa paggawa ng bomba na siyang ginamit ng mga suspek sa malakas na pagpapasabog sa Beirut, Lebanon.