Naganap na passport data breach sa DFA, maituturing na banta sa national security at personal na seguridad ng mga passport holder – PNP

343

Manila, Philippines – Itinuturing ng Philippine National Police na banta sa national security ang ninakaw na datos ng mga Philippine passport holders ng dating contractor na humahawak dito.

Sa press conference sa Camp Crame, sinabi ni PNP Chief Police Dir. Gen. Oscar Albayalde na hindi lang ito banta sa pambansang seguridad, kundi maging sa personal na seguridad ng mga indibidwal na passport holders.

Bagama’t hindi pa nakikipag-ugnayan ang Department of Foreign Affairs o National Bureau of Investigation kaugnay ng nangyaring passport data breach, bukas aniya ang PNP na tumulong sa imbestigasyon.

Kakayanin aniya ng PNP- Anti Cyber Crime group at ng CIDG na imbestigahan ang mga kaso ng “identity theft”.

Facebook Comments