Agusan Del Sur – Sumuko sa militar ang labing apat na miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Talacagon, Agusan Del Sur kaninang umaga.
Ayon kay AFP Eastern Mindanao Command Spokesperson Major Ezra Balagtey, partikular na sumuko ang labing apat na rebelde sa tropa ng Army 26th Infantry Battalion ng Philippine Army.
Kasabay rin na isinuko ng mga rebelde ang kanilang labing anim na iba’t ibang klase ng armas.
Sa panayam ng militar sa isa sa mga sumuko na si alyas Jim, sinabi nitong pagod na sila sa bundok dahil sa maigting na military operation kung saan karamihan sa kanilang mga kasamahan ay namamatay na.
Sa huli, patuloy ang panawagan ng militar sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na magbalik loob sa pamahalaan upang makapamuhay ng normal.
NAGBABA NG ARMAS | 14 NPA, sumuko sa militar sa Agusan Del Sur
Facebook Comments