Nagtayo na ng monumento ang China sa Kagitangan Reef na bahagi ng West Philippine Sea.
Batay sa ulat ng Chinese newspaper na People’s Liberation Army, ang nasabing monumento ay simbolo ng pagpupursige ng China na ipagtanggol ang teritoryo nito.
Ayon naman kay Prof. Rommel Banlaoi, security expert, sadyang palihim ang pagtatayo ng monumento para kung may umangal na claimant country ay tapos na ito.
Una nang naglagay ng mga radar, communication, run way na pwedeng lapagan ng mga fighter jet, limang pier na kayang pagdaungan ng mga barkong pandigma ang China sa mga bahura sa West Philippine Sea.
Facebook Comments