NAGBABADYA | Presyo ng kuryente, posibleng tumaas

Manila, Philippines – Ibinabala ngayon ni Senator Win Gatchalian ang napakalaking increase sa singil sa kuryente simula Enero ng taong 2018 dahil sa itinaas na buwis sa coal na ginagamit sa mga planta ng kuryente.

Sa computation ni Gatchalian, posibleng umabot hanggang 14.35 pesos pero kilowatt hour ang itataas sa kuryente kapag naipataw na a halos 3,000 percent na increase sa coal tax.

Nakapaloob ito sa ipinasang bersyon ng senado ng TRAIN o Tax Reform Acceleration and Inclusion.


Ang increase sa coal tax na ipapataw mula 2018 hanggang 2020 ay ipapatupad sa loob ng tatlong taon.

Ang kasalukuang sampung piso buwis sa bawat metriko tonelada ng coal ay itinaas ng senado sa 100 pesos sa unang taon, 200 pesos sa ikalawang taon at 300-pesos sa ikatlong taon.

Giit ni gatchalian, tiyak na ipapasa rin ito sa mga consumers lalo na at 50 percent ng suplay ng kuryente ay galing sa mga coal plants.

Ayon kay Gatchalian, maaapektuhan nito ang nasa 2.7 milyong consumers lalo na ang mga sinusuplayan ng electric cooperatives.

Facebook Comments