NAGBABADYANG BAGYO | Mindanao, pinaghahanda ng NDRRMC

Manila, Philippines -Pinaghahanda ang mga lalawigan sa Mindanao sa namumuong sama ng panahon bago matapos ang taon.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mina Marasigan, wala pang exact forecast ngunit nagpapaalala na ang ahensya na maghanda para sa posibleng bagyo na huling tatama sa bansa ngayong taon.

Partikular na pinaghahanda ang mga taga-Northern Mindanao at ang Kanlurang bahagi ng Mindanao region na sinalanta kamakailan ng bagyong Vinta.


Kapag naging ganap na bagyo at pumasok sa PAR ay tatawaging Typhoon Wilma ang sama ng panahon.

Mainam na aniya na ngayon pa lang ay maaga nang napaghahandaan para alerto ang lahat ng mga ahensya sa agad na pagbibigay ayuda lalo na ang mga nasa disaster response, relief and rescue.

Facebook Comments