NAGBABADYANG BAGYO | Regional offices ng NDRRMC, inilagay sa high alert status

Manila, Philippines – Inilagay na sa high alert status ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang kanilang mga regional office dahil sa Low Pressure Area (LPA) na maaaring maging bagyo at tatawaging Agaton na posibleng maglandfall ngayong araw o bukas.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan, ini-high-alert status na nila regional office sa Central Luzon, Western Visayas, Central Visayas at Zamboanga Peninsula.

Kaugnay nito ay nagpaalala si Marasigan sa publiko na maging handa sa anumang banta ng kalamidad.


Facebook Comments