Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang isang miyembro ng SAF o Special Action Force mula sa bayan ng Mapandan matapos itong pagtulungang bugbugin ng mga kawani ng peryahan nang umawat ito sa isang gulo.
Nakilala ang biktima na si Pat. Robert De Vera Jr., 29 anyos, SAF member na nakabase sa Samar at residente ng Brgy. Luyan sa nasabing bayan.
Sa naging panayam ng iFM Dagupan kay PLt. Jesus Flores – Deputy Chief of Police ng Mapandan PNP, bago pa man mangyari ang insidente, kasama umano ng biktima ang kanyang kaibigan para hintayin ang isa pa nilang kaibigan at naisipan umano nilang magmeryenda sa loob ng peryahan.
Habang naghihintay ang mga ito, umagaw sa kanilang pansin ang isang komosyon o gulo.
Bago lumapit ay nagpakilala muna ito na siya ay isang pulis magbakasakaling mapahinto ang mga ito.
Bago lumapit ay nagpakilala muna ito na siya ay isang pulis magbakasakaling mapahinto ang mga ito.
Dito na lumapit ang tatlong kalalakihan na natukoy bilang mga empleyado ng peryahan at pinagtulungang bugbugin si De Vera at agad kumaripas ng takbo ang mga ito para tumakas.
Nawalan ito ng malay hanggang sa dalhin sa Mapandan Community Hospital ng mga rumesponding kapulisan ng Mapandan PS ngunit idineklara itong dead on arrival ng doktor.
Dagdag pa ni Flores, base sa medicolegal autopsy, lumabas na mayroon itong mga hematoma sa babang bahagi ng kanyang leeg at mga abrasion sa tuhod na sinasabing dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.
Sa ngayon, naisampa na sa tatlong suspek ang kanilang mga kaso at naipadala na rin sa prosecutor’s office dito sa lungsod ng Dagupan. | ifmnews
Facebook Comments