NAGBABALA | 12,000 bagong kaso ng HIV-AIDS, posibleng madagdag sa susunod na taon

Nagbabala si Deputy Majority Leader Ron Salo sa libu-libong bagong kaso ng HIV-AIDS cases na pwedeng madagdag sa susunod na taon.

Aminado si Salo na sa kabila ng mga programa ng gobyerno, NGOs at pribadong sektor laban sa HIV-AIDS ay nahihirapan pa rin na mabawasan ang mga kaso nito.

Ayon kay Salo, kung tuluy-tuloy ang mabilis na pagtaas ng bilang ng mga nahahawaan o nagkakasakit ng HIV-AIDs hindi malabong makapagtala ng 12,000 bagong HIV-AIDS cases.


Ngayong taon pa lang ay may 6,532 na kaso na ang naitala habang 276 naman ang mga nasawi dahil sa HIV-AIDS.

Nagsimula aniya ang pagtaas ng HIV-AIDs epidemic noong 2010 at nagtuluy-tuloy na ito hanggang sa kasalukuyan.

Kapansin-pansin din ang pagtaas ng bilang ng mga nagkakaHIV-AIDS sa mga working young adults at sa mga lugar sa NCR, Calabarzon, Central Luzon, Central Visayas, Western Visayas at Davao region.

Dahil dito, pinamamadali ni Salo ang paglusot sa bagong HIV AIDS Policy Act sa bicameral conference committee upang maagapan ang lalo pang pagtaas ng bilang ng HIV-AIDS cases sa bansa.

Facebook Comments