Nagbabala ang DPWH na posibleng madagdagan pa ang talaan ng mga kontratistang kanilang ilalagay sa blacklist

243

Ang babala ni Public Works Secretary Mark Villar ay kasunod ng kabiguan ng isang pribadong kontraktor na makatugon sa napag-usapang pagtatapos ng school project sa Cavite.

Ayon sa kalihim, sinuman sa mga kontratista na papasok sa isang kasunduan sa gobyerno ay dapat matiyak na makakasunod sa itinakdang panahon para tapusin ang trabaho.


Aniya, dapat na magsilbing aral na sa ibang kontraktor na maaari silang mapatawan ng isang taong suspension o ban sa anumang proyekto ng gobyerno kapag nabigo silang matupad ang napagkasunduang pagkumpleto ng sa proyekto tulad ng kanilang ipinataw sa St. Gerrard Construction General Contractor and Development Corp.

Facebook Comments