NAGBABALA | Angkan ng mga Parojinog, pupulbusin – PRRD

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na uubusin niya ang angkan ng mga Parojinog.

Ang pamilya Parojinog ay isang political clan sa Ozamiz na iniuugnay sa illegal drug trade.

Sa talumpati ng Pangulo sa Ozamiz City, sinabi ng Pangulo na hindi siya magdadalawang isip na patayin ang mga ito lalo at kung dawit sila sa ilegal na droga


Matatandaang napatay sa drug raid ng mga awtoridad si dating Ozamiz Mayor Reynaldo Parojinog at anim na iba pa nitong 2017.

Naaresto naman ang anak ng dating alkalde na si Ozamiz City Vice Mayor Nova Echaves.

Nadakip naman sa Taiwan nitong Hulyo ang prominenteng miyembro ng drug-dealing clan na si Councilor Ricardo ‘Ardot’ Parojinog.

Facebook Comments