NAGBABALA | Bagyong Ompong, magpapalala ng inflation sa bansa

Nagbabala si 1-Pacman Partylist Representative Mikee Romero na makakaapekto pa ng husto sa pagtaas ng inflation ang pinsala ng bagyong Ompong sa mga pananim.

Ayon kay Romero, dahil sa maraming sinalanta na pananim at sakahan sa Northern Luzon ang bagyong Ompong, malaki ang impact nito sa suplay ng bigas at gulay sa bansa.

Asahan na aniya ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin matapos ang bagyo na posibleng umabot hanggang Oktubre.


Maliban dito, ang mga hindi naaning bigas na nasira ng bagyo ay may inflation effect na tatagal ng ilang buwan.

Inirekomenda ni Romero kay Pangulong Duterte ang pagtatatag ng presidential task force para labanan ang patuloy na pagtaas ng inflation.

Dapat aniyang may koordinasyon ang lahat ng ahensya ng gobyerno para solusyunan ang inflation batay na rin components ng consumer price index.

Facebook Comments