Manila, Philippines – Nagbabala sa publiko ang Department of Social Welfare and Development laban sa mga kumakandidato sa Barangay na ginagamit ang 4Ps sa pangangampanya.
Nagpalabas ng paalala ang DSWD kasunod ng mga ulat na may ilang barangay candidates ang pinapaniwala ang publiko na sila ang nagpapatupad ng mga programa at serbisyo ng ahensiya.
Hinihingi nila ang boto ng mga botante kapalit ng hindi pagtanggal ng kanilang mga pangalan sa listahan na binibigyan ng benepisyo.
Iginiit ni DSWD Acting secretary Emmanuel Leyco na lahat ng programa at serbisyo ng DSWD ay direktang pinangangasiwaan nito at wala sa mga tanggapan ng mga pulitiko.
Umapela na rin ang DSWD sa mga barangay re-electionists at iba pang kandidato na tigilan na ang pagpapakalat ng maling impormasyon at paggamit sa mga programa at serbisyo ng ahensiya na malinaw na paglabag sa Omnibus Election Code.
NAGBABALA | Barangay candidates na gumagamit ng programa ng DSWD sa kanilang pangangampanya, binalaan
Facebook Comments