NAGBABALA | Cebu Pacific, posibleng kasuhan ng plunder – Speaker Alvarez

Manila, Philippines – Nagbabala si House Speaker Pantaleon Alvarez na kakasuhan ng plunder ang Cebu Pacific kung hindi itu-turn over sa gobyerno ang hindi na-i-refund na terminal fee sa mga pasahero.

Sa pagdinig ng House Committee on Transportation, natuklasan na aabot sa 250 million pesos ang balanseng hindi pa naibabalik ng Cebu Pacific sa ibinayad na terminal fee.

Giit ni Alvarez, hindi maaring angkinin ng airline ang hindi na-refund na terminal fee dahil sa publiko ito.


Banta ng speaker, kung hindi ito ibabalik ay may katapat itong kasong plunder.

Nauna nang inireklamo ni Alvarez sa komite ang na kapag nagpakansela ng flight ang isang pasahero ay hindi naire-refund ng Cebu Pac pati ang terminal fee na ibinayad sa kanila.

Facebook Comments