Manila, Philippines – Nagbabala ang Commission on Human Rights (CHR) sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) laban sa posibleng paglalabas ng mga pangalan ng mga narco barangay executives.
Ayon kay Jacqueline De Guia, Comission on Human Rights spokesperson, bagamat malinaw ang layunin ng PDEA na bigyan ng kaalaman ang mga botante sa mga barangay officials na saklot ng sindikato ng illegal na droga.
Gayunman, maikokompromiso dito ang karapatan ng mga pinaparatangan sa tinawatag na due process.
Naniniwala pa rin si De Guia na ang pagsasampa ng kaso sa korte ang pinakamainam na daan para mapanagot ang mga bulok na public officials.
Sa pamamagitan nito aniya ay maipapakita ng Administrayong Duterte na seryoso ito sa pagpapatupad ng mga polisiya at programa nito sa war on drugs habang matitiyak ang seguridad ng mga akusado.