NAGBABALA | Dept. of Energy, nag-inspeksyon sa mga gasolinahang nagtaas ng presyo

Manila, Philippines – Nag-inspeksyon ang mga tauhan ng Department of Energy (DOE) sa mga gasolinahang nagtaas ng presyo ng produktong petrolyo dahil sa bagong excise tax.

Ayon kay Bong Suntay, pangulo ng Independent Philippine Petroleum Companies Association (IPPCA), karamihan sa mga kumpanya ng langis ay hindi pa nagpapataw ng taas-presyo dahil sa excise tax.

Aniya, inaasahan sa Enero 14 hanggang 16 pa magbabago ng presyo ang mga independent oil players.


Kasabay nito, nagbabala ang DOE sa mga kumpanya ng langis na tiyaking ubos na ang kanilang lumang stock bago sila magpataw ng dagdag presyo.

Dapat din may nakapaskil na karatulang nagbibigay ng abiso sa mga motorista na epektibo na ang excise tax sa mga produkto nila.

Batay sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN), may patong na P2.50 kada litro ang diesel habang P7 kada litro naman sa gasolina mula sa P4.35 noong isang taon.

Facebook Comments