Nagbabala si Akbayan Rep. Tom Villarin na maaring ideklara ng Korte Suprema na unconstitutional ang polisiya ng MMDA na “single o driver-only ban” sa EDSA.
Paliwanag ni Villarin, ang hakbang ng MMDA ay naglilimita sa paggamit ng mga mamamayan ng kanyang ari-arian ng walang due process.
Iginiit pa ni Villarin na hindi lamang ang mga sasakyan na driver lamang ang sakay ang problema ng matinding traffic sa EDSA.
Aniya, ang dapat anyang gawin ng gobyerno ay bawasan ang mga sasakyan sa Metro Manila sa pamamagitan ng pagpapatupad ng environmental laws tulad ng pagbabawal sa paggamit ng mga sasakyan na mayroong “highly polluted engines.”
Bukod pa rito aniya ang paglilinis sa mga secondary roads sa mga sasakyang nakaparada upang magamit itong alternatibong ruta.