NAGBABALA | Estados Unidos, nagpaalala sa Pilipinas sa pagbili nito ng armas galing Russia

Binalaan ng Estados Unidos ang Pilipinas sa pagbili nito ng military equipment galing Russia kabilang na ang submarines.

Pangamba ni U.S. Defense Assistant Secretary Randall Schriver, posibleng magkaroon ng problema na tinatawag na inter-operability.

Matagal na panahon ding nagsu-supply ang Estados Unidos ng armas sa Pilipinas.


Matatandaang nais ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng Department of National Defense (DND) na kumuha ng suplay ng mga armas pandigma sa bansang Russia.

Facebook Comments