NAGBABALA | Itogon landslide, posibleng maulit

Itogon, Benguet – Posibleng wala nang balikang bahay ang mga residenteng pinalikas sa Barangay Ucab, Itogon, Benguet.

Batay kasi sa pag-aaral ng Mines Geoscience Bureau o MGB, nasa 184 hektarya ng Itogon ang nasa critical zone na very high landslide susceptibility.

Ibig sabihin, malaki ang tyansang gumuho ang lupa doon lalo na kung malakas ang pag-ulan.


Una nang inutos ng Department of Environment and Natural Resources o DENR na i-relocate ang mga inilikas na residenteng nakatira sa landslide prone area.

Facebook Comments