NAGBABALA | Justice Secretary Menardo Guevarra, nagbabala na walang magiging puwang sa komunidad ang mga kriminal

Manila, Philippines – Nagbabala si Justice Secretary Menardo Guevarra na walang magiging puwang sa komunidad ang mga kriminal.

Partikular aniya ang mga drug pushers at terorista.

Ayon kay Guevarra, itutuloy nila ang mandato sa kanya ni Pangulong Duterte nang manumpa siya sa tungkulin.


Tiniyak din ni Guevarra na tutugunan niya ang mga problema sa bawat division sa Department of Justice (DOJ).

Patuloy din aniya ang kanyang pakikipagpulong sa attached agencies, gayundin ang kanilang mga pinuno at heads ng field offices ng National Prosecution Service.

Facebook Comments