NAGBABALA | Kaso ng leptospirosis, posibleng tumaas pa – DOH

Manila, Philippines – Nagbabala ang Department of Health (DOH) na posibleng tumaas pa ang kaso ng leptospirosis dahil sa nararanasang pagbaha sa ilang panig ng bansa.

Simula kasi ngayong linggo hanggang sa susunod na linggo ay posibleng lumabas ang mga simtomas ng leptospirosis sa mga nagbabad sa baha na walang proteksyon.

Bagaman at wala pang idinedeklarang outbreak, ikinabahala na ni Health Secretary Francisco Duque III ang dami ng mga kaso.


Agad magpakonsulta sa doktor kung nakararanas na ng simtomas ng leptospirosis tulad ng lagnat, pananakit ng kasu-kasuhan, pamamantal ng balat, pamumula ng mata at pananakit ng ulo.

Base sa huling datos ng DOH, nasa 1033 cases ng leptospirosis ang naitala sa buong bansa sa unang anim na buwan ng taon.

Nasa 93 na ang naitalang namatay dahil sa sakit.

Karamihan sa mga kaso ay nanggagaling sa Western Visayas (221), Caraga Region (162), at Davao Region (86).

Ang leptospirosis ay bacterial infection na nagmumula sa ihi ng daga.

Facebook Comments