NAGBABALA | Kumakalat na P10,000 bill, peke – ayon sa BSP

Manila, Philippines – Nagbabala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko sa tungkol sa kumakalat na pekeng 10,000 pesos bill na usap-usapan sa Facebook.

Sa abiso ng BSP, ang kasalukuyang New Generation Currency (NGC) banknotes series na nasa sirkulasyon ay binubuo lamang ng anim na denominations.

Ito ay ang P20, P50, P100, P200, P500, at P1,000.


Iginiit ng BSP na wala siyang iniisyu na p10,000 ngc banknorte.

Ang pamemeke at paggamit ng Philippine banknotes ay mapaparusahan sa ilalim ng batas.

Payo ng BSP na agad isumbong sa pulisya o National Bureau of Investigation (NBI) kung may makitang hawak o gamit na pekeng banknotes.

Facebook Comments