NAGBABALA | Labor Sec. Silvestre Bello, kakasuhan ang mga naninira sa kanya

Manila, Philippines – ‘Magkita-kita na lang sa korte’

Ito ang binitawang babala ni Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III sa mga naninira sa kanya.

Inilabas ni Bello ang pahayag pagkatapos siyang akusahan ng graft and corruption ng isang may-ari ng isang recruitment agency.


Ayon kay Bello, magsasampa sila ng kaso, base sa irerekomenda ng kanyang abogado.

Hindi na tinukoy ng kalihim kung sino ang mga kakasuhan nito.

Hamon pa nito sa kanyang mga detractors, sampahan siya sa korte kung mayroon silang ebidensya sa mga ipinupukol nilang alegasyon laban sa kanya.

Nilinaw din ni Bello na wala siyang kinalaman sa kanselasyon ng lisensya ng isang recruitment agency, ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang gumawa nito.

Itinanggi muli ng labor chief na tumanggap ito ng bribe money.

Facebook Comments