Nagbabala ang isang 51-anyos na lalaking Pranses sa peligrong idinudulot ng plastik sa mga karagatan.
Nagawa ni Ben Lecompte na languyin ang Pacific Ocean mula Japan hanggang sa Hawaii bilang bahagi ng kanyang adbokasiya na labanan ang plastic pollution.
Ayon kay Lecompte – kada tatlong minuto sa kanyang paglangoy ay nakakakita siya ng piraso ng plastik sa karagatan o 100 plastik sa loob ng kalahating oras.
Sa ngayon, itinigil pansamantala ang kanyang kampanya at stop over muna siya sa Aloha State dahil sa masamang panahon.
Target ni Lecompte na tapusin ang kanyang paglangoy hanggang sa maabot ang San Francisco, U.S.A.
Facebook Comments