Nagbabala ang Mines and Geosciences Bureau (MGB) na posibleng magkaroon pa ng pagguho ng lupa sa lugar na pinangyarihan ng landslide sa Barangay Ucab, Itogon, Benguet.
Ayon kay MGB Supervising Science Research Specialist Liza Manzano, may mga nadiskubreng crack sa mga riprap sa bundok kaya mataas pa rin ang tyansang maulit ang landslide.
Paliwanag pa ni Manzano, ang crack ay resulta ng pag-ulan at mga vibration na nagmumula sa rescue site.
Facebook Comments