Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga alkalde na nagbibigay ng tulong sa mga rebeldeng komunista.
Sa pagdalo nito sa League of the Municipalities of the Philippines – Visayas chapter, ayon kay Pangulong Duterte – posibleng mawala sa local government officials ang ‘lahat’ kabilang na ang police powers kapag umanib ito sa mga komunista na itinuturing kalaban ng estado.
Muling iginiit ng Pangulo, na maraming pulis at sundalo ang namatay dahil sa mga ginawang pag-atake ng mga komunista.
Kasabay nito, nanawagan din ang Pangulo sa mga lokal na opisyal na pag-ibayuhin ang pamamahala lalo na sa paglaban sa ilegal na droga at korapsyon.
Facebook Comments