Manila, Philippines – Nagbabala si Akbayan Rep. Tom Villarin na magbubunga ang mga ginagawa ng Duterte administration kasunod ng pagpapa-aresto kahapon kay Senator Antonio Trillanes sa kasong rebellion kaugnay sa 2003 Oakwood mutiny at 2007 Manila Peninsula siege.
Giit ni Villarin, tiyak na magbu-boomerang o babalik kay Pangulong Duterte ang ginawa nitong pagbali at pagabanduna sa batas.
Tiyak aniyang mawawalan na ng tiwala ang taumbayan sa pamahalaan dahil pina-aresto ang isang senador sa isang kaso na tinapos at ibinasura na noon.
Samantala, naniniwala naman si Magdalo Rep. Gary Alejano na nawala na ang demokrasya sa bansa at tayo ay unti-unting sumasailalim na sa diktaturya.
Aniya, ang pag-aresto sa Senador matapos gawing basehan ang Proclamation #572 o pagbawi sa amnestiya ni Trillanes ay malinaw na pag-atake sa Philippine justice system dahil ginagawa ng kasangkapan ang korte para gipitin ang mga kumakalaban sa pamahalaan.