NAGBABALA | Pagpapalawig sa martial law hanggang 2019, kinatatakutang magamit lamang sa eleksyon

Nagbabala si Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na posibleng magamit sa eleksyon ang isinusulong na pagpapalawig pa sa batas militar sa Mindanao.

Ayon kay Zarate, ang pagpapalutang ng AFP sa posibleng extension sa martial law sa Mindanao ay posibleng samantalahin ng administrasyon.

Nangangamba ang mambabatas na maaaring magamit ang panibagong martial law extension para matiyak ang pagkapanalo ng mga kandidato ng mga kaalyado ng pamahalaan sa 2019 May election.


Sinabi pa ng kongresista na kapag pinayagan ang muling pagpapalawig sa batas militar ay tiyak na aabutin ito hanggang sa halalan.

Matatandaang naghain si Iligan Rep. Frederick Siao ng resolusyon para i-extend hanggang June 2019 ang martial law sa Mindanao.

Binigyang diin sa resolusyon ang mga banta sa seguridad mula sa mga teroristang grupo na hindi dapat maliitin at ang pagbibigay seguridad para sa darating na 2019 election.

Facebook Comments