Manila, Philippines – Nagbabala si Senador JV Ejercito sa mga economic managers ni Pangulong Rodrigo Duterte na posibleng madiskaril ang pagpasa sa second tranche ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) o TRAIN-2.
Ito ay kung hindi mabibigyang linaw sa mga mambabatas tulad noong isinulong ang first package ng train.
Pananaw ni Ejercito, mahihirapang makakuha ng ‘oo’ ang TRAIN-2 mula sa Senado lalo at kung ang Department of Finance (DOF) at iba pang government financial institutions ay tumangging ilahad ang mga posibleng epekto ng panukala.
Pero maaring suportahan ni Ejercito ang isinusulong ng finance department na taasan ang buwis sa sigarilyo at alak.
Facebook Comments