Manila, Philippines – Nagbabala ang ilang grupo sa posibleng epekto ng pagpapasa sa rice tarrification bill sa presyo ng mga processed meat tulad ng hotdog, siomai at luncheon meat.
Sa ilalim kasi ng rice tariffication bill, aalisin ang mga hadlang sa pag-angkat ng bigas o ang quantitative restrictions para dumami ang suplay ng bigas sa bansa at bumaba ang presyo nito.
Dahil dito, pinayagan ng World Trade Organization (WTO) na alisin ang restrictions pero ang kapalit ay ang pag-alis ng mababang taripa sa processed meat mula sa 5 porsiyento pataas ng 40 porsiyento.
Ayon kay Philippine Association of Meat Processors Incorporation (PAMPI) Executive Director Francisco Buencamino, ang mga imported na karne ang ginagamit sa mga hotdog, sausage, luncheon meat at iba pang giniling na karne.
Sinabi naman ng tariff commission na pag-aaralan pa nila kung totoo nga ang sinasabi ng PAMPI at ng Meat Importers and Traders Association (MITA).