Manila, Philippines – Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na papatayin si dating Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog kapag umuwi ito sa bansa.
Matatandaang inakusahan ni Duterte si Mabilog na protektor ng sindikato ng droga at itinuring na ‘most shabulized’ province ang Iloilo.
Binalaan ng Pangulo ang mga opisyal na sangkot sa ilegal na droga at nagbanta pang mahaharap ang mga ito sa fatal consequences.
Aniya, tila ‘naglalaro ng apoy’ ang mga opisyal kung papatayin nila ang mga pulis at sundalo na tumatangging sumama sa kanilang drug operations.
Una nang itinanggi ni Mabilog ang alegasyon ng Pangulo at sinabing tumungo lamang ito ng abroad para magpagamot.
Tinanggal siya sa pwesto ng Office of the Ombudsman dahil sa kabiguang ideklara ang kanyang totoong yaman.