Manila, Philippines – Nagbabala ang Bureau of Immigration sa publiko laban sa mga sindikato ng human trafficking
Kasunod ito ng pagharang sa NAIA ng mga tauhan ng Immigration sa isang disi siete anyos na dalagita na gumamit ng pasaporte ng iba at nagpanggap na bente tres anyos na.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, patungo sana ng Riyadh, Saudi Arabi ang hindi pinangalanang dalagita
Ipinasa na ng BI ang kaso ng biktima sa DSWD at Inter-Agency Council Against Trafficking o IACAT para sa imbestigasyon.
Noong nakaraang Linggo, isang 20-anyos na babae patungong Dubai, UAE ang pinigilan ding makaalis ng bansa dahil sa paggamit ng travel documents ng isang 25-anyos na OFW.
Facebook Comments