NAGBABALA | SEC, pinag-iingat ang publiko sa ilang investment scheme

Manila, Philippines – Nagbabala ang Securities and Exchange Commission o SEC sa publiko, laban investment scam at iba pang uri ng panloloko.

Kabilang sa mga tinukoy ng SEC ay ang mga pangkaraniwang uri ng panloloko sa mga nagnanais magkaroon ng karagdagang kita o mas mapalago pa ang kanilang pera.

Kasama rito ang investment na double your money, 12% annual interest income at mataas na porsiyento ng ROI o return on investment na lagpas ang kita sa umiiral na tubo sa mga bangko.


Pinayuhan ng komisyon ang publiko higit ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na maging matalino, matutong makuntento at huwag magpasilaw sa malaking kikitain na pera sa madaliang pamamaraan upang hindi mabiktima ng scam.

Nakatanggap ang Commission ng impormasyon na may mga indibidwal o grupo ng mga tao na kumakatawan sa Nutriwealth Multi-Purpose Cooperative na humihikayat sa publiko na mamuhunan sa pamamagitan ng

1. Nutriwealth Producer’s Cooperative,
2. Nutriphysics Wellness Association Inc.,
3. Nutriwealth Wellness Association Inc.,
4. Nutriwealth Manufacturing Plant Inc.,
5. Nutriwealth School of Wealth & Wellness Foundation Inc.,
6. Minviluz Farmers and Fishermen Integrated Livelihood Association, Inc.
7. Value Chain Methodology (VCM).

Ayon sa Commission, ang nabanggit na Cooperatives, Corporations at Associations ay hindi awtorisadong mag-solicit ng investment mula sa publiko, dahil hindi ito kumuha ng kinakailangan lisensya at permit mula Securities and Exchange Commission (SEC) na kinakailangan sa ilalim ng Section 8 ng Securities Regulation Code (SRC).

Di umano target ng Nutriwealth ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Israel, Japan, Hong Kong, Singapore, Korea, Italy, Canada, Australia, Taiwan, Thailand, U.S.A., U.A.E., KSA, Iraq, Kuwait at Qatar kung saan sila nagsasagawa ng kanilang “Financial Literacy Caravan”.

Kung mayroon kang anumang impormasyon tungkol sa pagpapatakbo ng entidad, mangyaring tumawag sa Enforcement and Investor Protection Department sa telephone number 818-6047.

Facebook Comments