Manila, Philippines – Nagbabala si Petroleum Association of the Philippines Vice President Ed Cutiongco ang negatibong epekto ng panukalang TRAIN 2 Law sakaling magiginap ganap na batas ang naturang panukala.
Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila Bay sinabi ni Cutiongco na malaking negatibong epekto ang TRAIN 2 dahil posiblemg malaking kabawasan ang kita ng mga negosyante at magdudulot ito ng maraming mawawalan ng trabaho.
Paliwanag ni Cutiongco na ang panukalang TRABAHO Law ay malinaw na ang layunin ay magkakaroon ng dagdag kita para sa mga government infrastructure development plan pero posibleng magsisialisan ang mga dayuhang mamumuhunan dahil sa naturang panukalang TRAIN 2 Law.
Giit ni Cutiongco ang TRAIN 2 ay lalo lamang magpapahirap sa mamamayang Pilipino kaya mungkahi nito sa mga mambabatas na pag-aralan muna nila ng masinsinan bago isulong ang naturang panukalang batas.