NAGBAGSAKANG MGA PUNO SADAAN SA ANDA, PANGASINAN, UMPISA NANG NILILINIS

Lubos na naaapektuhan ang Western Pangasinan dahilan ang malakas na hangin at pag-ulan dala ng nagdaang Bagyong Emong.

 

Sa tindi ng epekto nito, naiulat ang mga nasirang bahay at ilang establisyimento, kawalan ng kuryente sa ibang bahagi at nagtumbahang mga puno sa kakalsadahan.

 

Bilang tugon, nagpapatuloy ang isinasagawang paglilinis ng mga responders ng Pangasinan PDRRMO katuwang ang mga kawani ng MDRRMO sa mga lugar sa Western Pangasinan tulad na lamang sa bayan ng Anda na nangangailangan ng clearing operations.

 

Samantala, tuloy tuloy na rin ang pagpapamahagi ng mga FFPs at iba pang tulong sa mga nasalantang Pangasinenses ng nagdaang bagyo at habagat. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments