Nagbalik ng SAP sa Malabon, umabot na sa 13

Papuri at pasasalamat ang hatid ni Malabon Mayor Lenlen Oreta sa 13 pamilya na nagsauli ng kanilang 8,000 pesos na natanggap sa ilalim ng Social Amelioration Program o SAP ng gobyerno.

Ang mga ito ay residente ng Bayan-Bayanan, Longos, Potrero, Hulong Duhat, Catmon, Concepcion, Acacia, Santulan, at Baritan.

Diin ni Oreta, patunay ito na sa gitna ng hirap na dinaranas ngayon dahil sa COVID-19 pandemic ay may mga tao pa rin tapat at matulungin sa kapwa.


Dahilan ng mga ito sa pagsasauli ng kanilang SAP benefit ay para mabigyan ang mas nangangailangan.

Ang iba naman ay nakatanggap na ng ibang benefits mula sa gobyerno at ang iba naman ay nakatanggap na ng pensyon.

Ang SAP distribution ay nagpapatuloy pa rin para sa 41,881 pamilya sa Malabon.

Facebook Comments