Manila, Philippines – Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte sina Transportation Secretary Arthur Tugade at Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal na sisibakin sa pwesto.
Ito ay kapag naulit pa ang aberayang idinulot ng pagsadsad ng eroplano ng Xiamen airline sa runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Giit ng Pangulo, isang beses pang maulit ang kaparehong aberya matatanggal na sa pwesto ang dalawang opisyal.
Matatandaang umani ng batikos ang nangyaring insidente na nagdulot ng abala sa mga pasahero lalo na sa mga Overseas Filipino Workers (OFW).
Facebook Comments