NAGBANTA | Grupo ng mga mamamahayag sa Maynila, nagbanta ng boycott sa BOC

Manila, Philippines – Mariing tinututukan ng mga mga mamamahayag ang kautusan ng Bureau of Customs (BOC) na kinakailangan pang magpaalam bago kapanayamin ang isang opisyal ng ahensiya.

Sa ipinalabas kasi na regulasyon ng BOC, lahat ng kahilingan o request para makapanayam at makakuha ng larawan o footage ay kailangang idaan muna sa liham na may lagda at naka-adress sa commissioner.

Ayon kay Manila City Hall Press Corps President Doris Franche dapat ng i-boycott ang pagkober sa BOC dahil hindi dapat ang media ang hinihigpitan kundi ang mga smugglers lalo na ng ilegal na droga at ang pangungulekta ng buwis sa mga negosyante.


Paliwanag ni Franche kung seryoso at alam ng mga opisyal ng BOC ang kanilang trabaho dapat hindi na kailangang sumulat pa ang isang reporter bago interview-hin ang isang opisyal isa umano itong pagsikil sa kalayaan ng pamamahayag.

Facebook Comments