NAGBANTA | Grupo ng minorya sa Senado, kukuwestyunin sa SC ang planong pagharang sa 2019 elections

Manila, Philippines – Kukuwestyunin ng Senate Minority bloc sa Supreme Court ang anumang hakbang na pigilan ang 2019 senatorial at local elections.

Tugon ito ni Senate Minority Leader Franklin Drilon sa pahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez na isusulong nito ang “no-election” sa pamamagtan ng peoples initiative.

Pero giit ni Drilon, pwede lamang ang people’s initiative kapag maliliit na pagbabago lamang ang gagawin sa saligang-batas.


Diin ni Drilon, hindi maaring daanan sa peoples initiative kung pagregisa o pagbabago sa konstitusyon ang gagawin na naglalayong palawigin ang termino ng kasalukuyang mga halal na opsiyal ng pamahalaan.

Facebook Comments