NAGBANTA | Grupong Kadamay, nagbabalang babalik muli sa mga pabahay sa Rodriguez, Rizal

30

Manila, Philippines – Nagbabala ang grupong Kadamay na muling babalik sa Rodriguez, Rizal para igiit ang kanilang karapatan para mabigyan ng pabahay ng pamahalaan.

Ito ay matapos silang mabigong maagaw ang ilan sa mga housing units para sa mga pulis at sundalo sa Rodriguez, Rizal.

Giit ng grupong Kadamay, lahat na bakanteng bahay sa Rodriguez, Rizal ay dapat ibigay sa kanilang mga walang tahanan

Ayon naman kay Elsie Trinidad, tagapagsalita ng National Housing Authority (NHA), nakalaan o nai-award na ang may 700 kabahayan sa mga miyembro ng militar, pulisya at mga miyembro ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Aniya, mali ang pamamaraan ng kadamay na idaan sa ilegal na pamamaraan para magkaroon sila ng bahay mula sa gobyenro.

Facebook Comments